Biyernes, Agosto 2, 2013

SURING BASA : ANG KWENTO NI MABUTI


  • PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.



  • MGA TAUHAN SA KWENTO:
Mabuti - isang guro. may mabuting pananaw sa buhay. hilig magsabi ng "mabuti" kaya siya binansagang mabuti ng mga mag-aaral.mayroong malaking pangarap para sa kanyang isang anak.
Fe- estudyante ni Mabuti. nakita nya si mabuti na umiiyak sa silid-aklatan kung saan umiiyak din sya doon.hindi naman sa kanya sinabi ni mabuti ang problema dahil sabi nya ay bata pa si Fe.



  • BUOD NG KWENTO
      Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na binansagan ng kanyang mga mag.aaral na Mabuti. ang kwento ay ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si Fe na nakita niyang umiiyak sa sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa  problema ni Fe. nang tinanong na ni Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti ang problema dahil alam nya na hindi pa ito mauunawaan ni Fe.mayroong isang anak na babae si mabuti kung saan may malaking pangarap siya para sa anak. gusto niyang maging mang-gagamot ang anak. nagkuwento pa si mabuti ng tungkol sa mga kaligayahan nya sa anak. isang araw, nabalitaan ni fe na namatay ang tatay ng anak ni mabuti. ibinurol ito sa ibang bahay na hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. noon ay naunawaan ni Fe ang lihim na kalungkutan ni mabuti.
   

  • ARAL NG KWENTO:
     Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang malakas na tao. hindi ipinapakita ni mabuti sa iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa kanya ng iba o ng kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. sa panahon ngayon, napakaramin problema ang kinahaharap nating mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang mga mahihina ay malulungkot at mawawalan ng pag-asa. ang iba nga ay nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si mabuti na malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay. hindi siya pinanghinaan ng loob. bagkus patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang mangarap ng mataas para sa kanyang anak. maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga problema sa ating buhay. tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na puno ng kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao ang kalungkutan at sa pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit natin ang kaligayahan na matagal na nating inaasam.

22 komento:

  1. Napakaganda ng kwento..lubos ko ng naunawaan..very applicable in our lives.

    TumugonBurahin
  2. Napakaganda ng kwento..lubos ko ng naunawaan..very applicable in our lives..continue to inspire the life of others through your wonderful stories.

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mahusay ang pagkakalahad ng kuwento at naipaliwanag nang mabuti ang mensahe nito.
      matalinong naisulat nang may-akda ang kuwento

      Burahin
    2. mahusay na naipaliwanag ang mensahe ng kuwento

      Burahin
  4. mahusay na nailahad ang mensahe ng kuwento

    TumugonBurahin
  5. OHOHOHO PERO ANO YUNG MAIN PAKSA

    TumugonBurahin
  6. Ano pong layunin ng kwento at Istilo tagpuan nito.seryoso pong sagot salamat asap po!!

    TumugonBurahin
  7. Mga Tugon
    1. • Teoryang Eksistensiyalismo- kung saan ang mga tauhan ay pumili ng desisyon kung ipagpapatuloy pang mabuhay sa kabila ng mga problemang dinadanas at mga suliraning hindi na kayang kaharapino kitilin na lamang ang kaniyang buhay.
      • Teoryang Humanismona -ginamit ng akda ang mga katangian ng isang tao, katangian ng isang matatag at matapang na tao upang harapin ang pagsubok ng buhay. Na siyang ginamit upang ipahiwatig ng may akda ang tanging ngaral sa katha, “Ang maging matatag at matapang sa pagharap sa anumang pagsubok ng buhay nakakaharapin”.
      • Teoryang Moralismo- ang kwento ay mapupulutan ng aral ng nakakarami. Kwentong magbibigay inspirasyon sa sangkatauhan upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng hirap at problemang dinadanas.

      Burahin
    2. Salamat po ng marami sa impormasyong ito

      Burahin
  8. Ano po ang himig sa maikling kwento ni Mabuti?

    TumugonBurahin
  9. Layuning ng may akda sa ang kwento ni mabuti

    TumugonBurahin
  10. Ibig sabihin na ang anak ni Mabuti ay produkto ng pagtataksil? Ibig sabihin na si Mabuti ay isang kabit? Tama ba?

    TumugonBurahin
  11. Layunin po ng may akda bakit niya po ito isinulat???

    TumugonBurahin
  12. Maari ko poh bang gamitin ito sa aking takdang aralin?

    TumugonBurahin
  13. Bakit Po isinulat ang kwento ni mabuti?

    TumugonBurahin