Biyernes, Agosto 2, 2013

SURING BASA : ANG KWENTO NI MABUTI


  • PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.



  • MGA TAUHAN SA KWENTO:
Mabuti - isang guro. may mabuting pananaw sa buhay. hilig magsabi ng "mabuti" kaya siya binansagang mabuti ng mga mag-aaral.mayroong malaking pangarap para sa kanyang isang anak.
Fe- estudyante ni Mabuti. nakita nya si mabuti na umiiyak sa silid-aklatan kung saan umiiyak din sya doon.hindi naman sa kanya sinabi ni mabuti ang problema dahil sabi nya ay bata pa si Fe.



  • BUOD NG KWENTO
      Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na binansagan ng kanyang mga mag.aaral na Mabuti. ang kwento ay ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si Fe na nakita niyang umiiyak sa sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa  problema ni Fe. nang tinanong na ni Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti ang problema dahil alam nya na hindi pa ito mauunawaan ni Fe.mayroong isang anak na babae si mabuti kung saan may malaking pangarap siya para sa anak. gusto niyang maging mang-gagamot ang anak. nagkuwento pa si mabuti ng tungkol sa mga kaligayahan nya sa anak. isang araw, nabalitaan ni fe na namatay ang tatay ng anak ni mabuti. ibinurol ito sa ibang bahay na hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. noon ay naunawaan ni Fe ang lihim na kalungkutan ni mabuti.
   

  • ARAL NG KWENTO:
     Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang malakas na tao. hindi ipinapakita ni mabuti sa iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa kanya ng iba o ng kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. sa panahon ngayon, napakaramin problema ang kinahaharap nating mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang mga mahihina ay malulungkot at mawawalan ng pag-asa. ang iba nga ay nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si mabuti na malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay. hindi siya pinanghinaan ng loob. bagkus patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang mangarap ng mataas para sa kanyang anak. maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga problema sa ating buhay. tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na puno ng kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao ang kalungkutan at sa pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit natin ang kaligayahan na matagal na nating inaasam.

PAMAHIIN

     Tayong mga tao ay pawang mga mangmang. marami tayong hindi nalalaman. marami tayong hindi naiintindihan. ngunit sadya atang ang mga tao ay maparaan. tinatakpan natin ang butas ng ating kamangmangan ng mga sariling haka haka na pinaniniwalaan nating magpapaliwanag ng mga bagay na hindi natin maipaliwanag. isa sa mga ito ay ang mga "Pamahiin".
     Tayong mga pilipino, maniwala man o hinde, ay naniniwala sa mga pamahiin. hindi naman natin alam kung saan ito nanggaling. sabi sabi lamang ng mga matatanda pero naniniwala tayo. tunay naman kasing nakakaintriga ang mga ito. kung minsan nga, tayo mismo ay nakakaranas ng mga resulta ng pagsunod at di pagsunod sa mga pamahiin. dahil sa mga ganong pangyayari ay mas lalo pa nating pinaniniwalaan ang mga ito. halimbawa sa mga sikat nating pamahiin ay kapag daw nakasalubong tayo ng itim na pusa ay wag na tayong tumuloy sa pupuntahan natin dahil malas daw iyon. nakakatuwang isipin na marami ang naniniwala dito habang sa japan ay kabaliktaran ang pinapaniwalaan nila. sa japan, swerte ang mga itim na pusa. mukha ngang hindi talaga tayo makasisiguro kung ano ang papaniwalaan nmatin o hindi.
      Sa mundong ito, marami ang hindi natin alam. mga misteryo na baka patay na ang mundo ay hindi parin natin malalaman ang totoo. Hindi na natin alam kung ano ang paniniwalaan natin at hindi. nasa sa atin na yong mga tao kung maniniwala ba tayo sa mga haka hakang ito o hindi. paalala lamang... Mag.ingat ka sa iyong paniniwalaan.
   

Weh? Di nga?

 



     Nang si Pangulong noynoy ay naging Presidente, ang sabi nya ay dadalin nya tayo sa matuwid na daan. ngunit mukang nagtuloy tuloy nga tayo sa pagtahak ng matuwid na daan ng oras at panahon. lumilipas ang panahon at nauubos ang mga taon ng panungungkulan ng ating pangulo ngunit hindi parin natin nararamdaman ang magandang idinulot ng pag upo ng ating pangulo sa trono. Pero kapag nagso-SONA ang ating pangulo, maririnig natin na marami siyang nagagawa para sa ating bayan. ang iba ay namamangha at ang iba ay nagsasabi "weh? di nga?"
    Bumibida naman ngayon sa pandinig ng mga pilipino ang mga salita ni Pangulong Aquino. Ayon kay Pangulong Aquino, pangalawa na ang Pilipinas sa pinakamabilis na magpataas ng ekonomiya sa asya. tumataas ang ating ekonomiya at inaasahang tataas pa ito sa pagtatapos ng taon. ngunit marami ang hindi sang ayon sa sinasabi ng pangulo. at muka namang kaduda-duda talaga dahil lumipas na ang maraming buwan at hindi manlang naramdaman ang pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Walang pagtaas ng sweldo, walang pagbaba ng presyo, WALANG PAGBABAGO. kaya naman dumami pa ang nagsasabi ng "weh? di nga?"
    Nakakatawang isipin na bumoboto ang mga pilipino kahit na alam na naman na WALA PARING MAGBABAGO. Pare-pareho lang naman tayong "sa una lang". sa una tiwala, pagkatapos manlalait din naman. Siguro nga tama lamang na mamuhay tayo ng matalino. wag na tayong magtiwala sa iba tulad ng mga pangulo. kung iaasa natin sa kanila ang ikabubuhay natin, wala na tayong pinagkaiba kay juan tamad. mag-aantay ng tulong at mabibigo pag di nasunod. wag na tayong maniwala sa kanila para di na mapasama sa magsasabi ng "weh? di nga?"

 

Sabado, Hunyo 8, 2013

Mga bagay na hindi mo maaabot


       Sa labas ng aming tahanan ay may mahaba at malubak na daan. Sa dulo noon ay ang daanan ng mga sasakyan. sa tabi naman ng lubak na daan ay ang malawak na damuhan na ginagawa ding daanan ng mga tao pag gusto nilang mapaigsi ang lakarin papunta sa paaralan at mga tindahan. Paminsan-minsan ay naglalaro kami ng mga kapatid ko sa lubak na daan. nanonood ng mga saranggola sa langit habang inaantay ang tatay naming umuwi dala ang kanyang bisikleta.
       Isang araw, lumabas ako ng aming tahanan. hapon na noon kaya maya maya lang ay magdidilim na. nagpunta ako sa malubak na daan. sa dulo ng malubak na daan ay hindi mga sasakyan ang nakita ko. Isang malaking malaking bilog na kulay pula ang tumambad sa aking mga mata. yon ay ang araw. namangha ako sa  laki at ganda ng araw. naisip ko na baka pwede ko itong makita ng malapitan at mahawakan kaya tumakbo ako papalapit dito. Tumakbo ako hanggang sa kalahati ng malubak na daan. Napansin ko na hindi nagbabago ang laki ng araw kahit na lumalapit ako. lumakad nalang ako. inobserbahan ko ang araw habang lumalapit ako sa kanya. Hindi nagtagal ay naabot ko ang dulo ng daan ngunit ng tinignan ko ang araw, ganon parin ang laki at layo nya sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at sinubukang abutin ang araw ngunit wala akong naabot. noon ko lang napnsin na may puting bakod doon sa kabila ng daan ng mga sasakyan. naisip ko na baka kaya hindi ko malapitan ang araw dahil sa bakod na iyon. hinanap ko ang daanan papasok ng bakod ngunit hindi ko yon makita. hindi rin naman ako makakapunta sa kabila dahil sabi ni nanay ay delikado tumawid sa daan ng mga sasakyan kung mag-isa lang ako. nabigo akong hawakan at tignan ng malapitan ang araw.Pero hindi ako nalungkot. sinabi ko nalang sa aking sarili na paglaki ko ay tyaka ko nalang hahanapin ang pasukan ng bakod at aabutin ko ang araw.
       Paguwi ko, kwinento ko kay nanay ang nangyari. natawa sya at ipinaliwanag nya sa akin na hinding hindi ko maaabot ang araw dahil nasa labas ito ng mundo.  nung una ay hindi ko pa maunawaan ang paliwanag ng nanay. pinapabulaan ko ang kaniyang sinabi dahil nakita ko na parang sobrang lapit ko na sa araw pero bandang huli ay sumuko din ako. tinanggap ko nalang ang katotohanan na hindi ko maaabot ang malaking bilog na kulay pula. na may mga bagay talaga sa mundo na hindi natin makukuha kahit na magpakahirap pa tayong makuha ito.